BREAKING NEWS: Suspect sa pagpatay kay Joana Demafelis, OFW na inilagay sa freezer, Nasakote na! -DFA

Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkahuli kay Nader Essam Assaf, ang Lebanese na amo ni Joanna Demafelis ang Pinay Oversease Worker sa Kuwait na natagpuan sa abandonadong unit ng kanyang amo. Sa balitang ulat ng GMA News, ay inanunsiyo ni Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano si Pangulong Rodrigo Duterte ng ng masakote ng Lebanese authority ang male employer ni Demafelis ngayon Biyernes ng gabi. “The President welcomes the news that Nader Essam Assaf is now in the hands of authorities in Lebanon.” “Assaf’s arrest is a critical first step in our quest for justice for Joanna and we are thankful to our friends in Kuwait and Lebanon for their assistance.” Just in! principal suspect in the gruesome murder of OFW Joanna Demafelis is now in the custody of authorities in Lebanon, here’s PHL Amb. Villa confirming. ( Courtesy DFA) pic.twitter.com/fEjkLHdoTr — JP Soriano (@jpsoriano) February 23, 2018 Si Assaf at ang kanyang asawa ay naging paksa ng INTERPOL para magkaroon ng malawakang manhunt matapos humingi ng tulong ang Kuwaiti authorities ng matagpuan ang kalunos-lunos na katawan ni Demafelis sa loob ng isang freezer sa inabandunang apartment ng higit sa isang taon matapos na iniulat ng kanyang pamilya na siya ay nawawala. Kasabay ng pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon sa burol ni Demafelis ay inanunsyo din ng Philippine Embassy sa Kuwait ang pagkadakip ni Assaf, ang amo ni Demafelis na lalake. Si Pangulong Rodrigo Duterte at ang ina ni Joanna Demafelis -Photo grabbed from Filipino Times Pangulong Rodrigo Duterte binisita ang burol ng Pinay overseas worker na si Joanna Demafelis -Photo grabbed from F'ilipino Times Sa pagkadakip kay Assam, ipinangako ni Kuwaiti Ambassador Al-Thwaikh na gagawin lahat ng Kuwaiti authorities ang lahat ng kanilang magagawa sa paghanap sa mga suspect at pagbibigay ng katurangan sa pagkamatay ng Pinay worker sa kamay ng mga dayuhan sa Kuwait. Si Assam ay nasa custodiya na ng Lebanon, habang ang kanyang asawa na Syrian ay pinaniniwalaan na nasa Syria at kasalukuyang pinaghahanap. What can you say about this? Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. Thanks for dropping by and reading this post.
BREAKING NEWS: Suspect sa pagpatay kay Joana Demafelis, OFW na inilagay sa freezer, Nasakote na! -DFA BREAKING NEWS: Suspect sa pagpatay kay Joana Demafelis, OFW na inilagay sa freezer, Nasakote na! -DFA Reviewed by Trending Daily on February 24, 2018 Rating: 5

No comments