MAY SENTENSYA NA | Mag-asawang amo ni Joanna Demafelis, hinatulan ng kamatayan ng Kuwaiti Court – media

KUWAIT (April 2, 2018) – Hinatulan ng kamatayan ng korte sa Kuwait ang mag-asawang Lebanese na lalaki at Syrian na babaeng amo ni Joanna Demafelis. Iniulat ito sa mga pahayagan sa Kuwait kahapon. Ayon sa news agency na al-Rai, hinatulan sa pamamagitan ng trial in absentia, o paglilitis nang wala ang nasasakdal, ang mag-asawa sa kasong premeditated murder. Sabi naman sa pahayagang al-Qabas, ibinaba agad ng korte ang desisyon matapos ang unang pagdinig pa lang nito laban sa mga suspek na di umano’y “pumatay sa overseas Filipino worker at itinago ang kanyang bangkay sa freezer.” Sa ilalim ng batas ng Kuwait, maaari pang iapela ang nasabing hatol. Sa ngayon ay hawak na ng mga otoridad sa kani-kanilang bansa ang mga suspek na Lebanese at Syrian. Pinoproseso na rin ang pag-extradite sa Kuwait ng lalaking amo ni Demafelis. Nagdulot ng lamat sa relasyon ng Pilipinas at Kuwait ang pagkamatay ni Demafelis na nadiskubre nitong February. Pero hinihinalang higit isang taon na sa freezer ang kanyang bangkay nang matagpuan. Ikinagalit ni President Rodrigo Duterte ang sinapit ni Demafelis at agad ipinag-utos ang pagpapauwi sa lahat ng OFW doon, pati ang pagpapatupad ng deployment ban sa Kuwait. Dahil dito, nagkasundo ang gobyerno ng dalawang bansa na bumuo ng memorandum of understanding na maglalaman ng mga panuntunan sa tama at makataong pagtrato sa mga OFW sa Kuwait. Inaasahang mapipirmahan ito ngayong unang linggo ng April. Sa ngayon ay kinukumpirma pa ng ating gobyerno ang ulat na ito ng foreign media. Sa tala ng Department of Foreign Affairs, higit 250,000 ang bilang ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa Kuwait, kung saan karamihan ay mga domestic helper.
MAY SENTENSYA NA | Mag-asawang amo ni Joanna Demafelis, hinatulan ng kamatayan ng Kuwaiti Court – media MAY SENTENSYA NA | Mag-asawang amo ni Joanna Demafelis, hinatulan ng kamatayan ng Kuwaiti Court – media Reviewed by Trending Daily on April 02, 2018 Rating: 5

No comments