This video evidence proves that Senator Trillanes filed an amnesty application in 2011.

Sa inilabas na Proclamation No.572 ng Malacañang, isinasaad dito na hindi umano nag-file ng amnesty application si Trillanes, at hindi ito umamin sa kasalanan sa mga krimeng ginawa nito sa Oakwood Mutiny noong 2003 at Manila Peninsula Siege noong 2007. Ngunit sa bidyong naka upload sa facebook page na Malacañang Events and Catering Services makikitang nag-sumite ng aplikasyon para sa amnesty si Senador Trillanes kasama ng mga media. Admission of guilt Mapapanood sa video, sinabi ni Senador Trillanes ang pag-amin sa kanyang mga ginawang kasalanan sa konstitusyon dahil ito umano ang nakasaad sa requirements sa pag aapply ng amnesty, ngunit hindi nito inamin ang kalanalan kay dating Pangulong Gloria Arroyo. "Ang nakalagay kasi don sa application form is a General admission of guilt na merong nalabag na kahit anong batas whether sa armed forces or sa revise pinal code" pahayag ni Trillanes. "Ever since hindi naman po kami nagpanggap na yung ginawa namin na pagpunta sa Oakwood at sa Manila Pen, na natural na ginagawa ng sundalo. We have man enough to admit na we have broken rules in the pursuit in moral cause and we face it, like men nakulong po kami and the others were seperated to the service so is every easy for us to admit to that" dagdag nito. Past is Past Sinabi rin ni Trillanes na hindi siya nakadadama ng pagsisisi sa kanyang ginawa dahil nangyari na umano ito. "Wala po tayong regrets dun sa ginawa natin, nangyari na po iyan yan po ang iginuhit ng tadhana so to speak, so tinanggap po natin yan" pahayag ng senador. Arresting soon Sa kabila nito, pinanindigan ng palasyo ang pag-bawi ng amnestiyang iginawad kay Senador Antonio Trillanes IV ni dating Pangulong Noynoy Aquino dahilan sa hindi pagsunod ng senador sa mga nakasaad sa requirement ng amnesty. Dahil dito, ibinasura ni Duterte ang paggawad ng amnesty kay Trillanes, at inutusan ang Armed Forces of the Philippines na arestuhin at ikulong si Trillanes. Nais ni Duterte na ituloy ng AFP ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban kay Trillanes. Watch Video:
This video evidence proves that Senator Trillanes filed an amnesty application in 2011. This video evidence proves that Senator Trillanes filed an amnesty application in 2011.   Reviewed by Trending Daily on September 05, 2018 Rating: 5

No comments